Hanggang sa Muli
Ngayon, nilililok ko ang mga sandali mula sa guhit ng huling tamis ng ‘yong ngiti, at alaala ng ‘yong mga bilugang mata. Ito ang mga bituing ibabalik ko sa kalangitan ngayong gabi.
Hinahayaan ko ang dampi ng malamig na hangin sa balat, ‘gaya ng pagtanggap ko sa tuluyang pagsasara ng iyong damdamin-
may hatid na kirot ang mga ganitong pagpapasya; gaya nang pagsabog ng mga natirang bulkan sa dibdib habang tahimik na “oo” lamang ang namutawi sa aking labi, at kasunod nito, ang tuluyang pagkaabo ng mga nalabing hibla ng pagtingin mo sa akin.
Kasabay rin nito, ang paglaho ko kasama ng mga katagang “tama na, pasensya na.“, hindi na mauulit ang lahat ng mga ito.
Salamat.
Patawad.
“Hanggang sa muli.”
Advertisement
love