sa ngayon

Sa ngayon, nasusukat ko ang kalungkutan sa lawak at lamig ng kama habang nag-iisa, sa pagbaluktot sa isang sulok para umiwas, sa pangambang maaamoy ka sa mga punda ng unan, kumot, kobre-kama, at bigla- biglang, babalik lahat, at magkakalindol sa aking utak.

Binabalot ko isa-isa, inilalayo ko sa mga mata ang mga maliliit na gamit mong naiwan. Kinakahon ko na ang bawat bagay na nagpapaalala sa akin ng iyong mukha, ngiti, amoy.. pakiramdam. Ikakahon ko na ang lahat ng ito, kasama ng aking mga agam-agam, at hahayaan kong lungkot sa kawalan na lamang ang matitirang lungkot dito sa loob ng kwarto.

Walang masasabing may tamang paghahanda sa pagbisita mo; dahil dumarating ka nang hindi sinasadya, nagpapakita ka nang hindi inaasahan at naririnig kita kahit wala ka. Nariyan ka sa lahat ng ordinaryong bagay na nakapalibot sa akin, at binibihag ako ng mga ito.

Subalit ngayon, maguumpisa ako dito, dito sa kwartong naging saksi sa ating mga kahinaan, at  pinagdaanan. Dito, uunti-untiin ko silang tingnan kung ano lamang sila; isang malamig na kama, lagayan ng damit, maaligasgas na sahig, bentilador, at isang maliwanag na ilaw.

At susunod kong haharapin ang tunggalian sa sarili, ang pagpatay-sindi ng damdamin. Sa ngayon, magpapatuloy ako mula dito.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.